Luke 9:18-21

Ang Pahayag ni Pedro tungkol kay Jesus

(Mat. 16:13-19; Mar. 8:27-29)

18Isang araw, nanalanging mag-isa si Jesus nang di-kalayuan sa mga tagasunod niya. Tinanong niya sila, “Sino raw ako ayon sa mga tao?” 19Sumagot sila, “May mga nagsasabing kayo po si Juan na tagapagbautismo. May nagsasabi ring kayo si Elias. At ang iba namaʼy nagsasabing isa po kayo sa mga propeta noong unang panahon, na muling nabuhay.” 20Tinanong sila ni Jesus, “Pero para sa inyo, sino ako?” Sumagot si Pedro, “Kayo po ang Cristo!”

Ang Unang Pagpapahayag ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan

(Mat. 16:20-28; Mar. 8:30–9:1)

21Mahigpit na sinabihan ni Jesus ang mga tagasunod niya na huwag nilang ipaalam kahit kanino na siya ang Cristo.
Copyright information for TglASD